I actively blog at SELaplana. You may subscribe my blog feed or sign up for free email updates. Thanks for visiting!

Enter your email address to Subscribe:
Delivered by FeedBurner
 

Sino nga ba... compared to the Pope

Actually, ang post kong ito ay isang commento lamang sa post ni Agustinong Pinoy sa kaniyang blog, ang sabi:
Kaninang hapon ay napanoon ko ang programa ng mga nasa Ang Dating Daan. Sila'y nag-react sa isang patutsada ni Ka Ramil ng Iglesya ni Kristo na kung saan sinabi niyang: "Sino ka ba, Eliseo Soriano? Kahit sa aki'y di ka uubra." Na siyang sinagot naman nina Josel at iba pa: "E sino naman si Eraño Manalo."

Kung tutuusi'y wala nang maaasahan sa dalawang grupong ito kundi ang magbangayan at mag-asaran. Sayang ang "air-time" na maaari sanang magamit sa ibang bagay. E sino nga ba si Eliseo Soriano o Eraño Manalo kung ikukumpara dito?
Hindi ko na po bigyan ng commento yung tungkol sa sagutan ng mga panelista ng Ang Dating Daan at ng Ang Tamang Daan. Ang nais ko lang pong bigyan ng pansin ay ang ukol sa sinabi niyang:
E sino nga ba si Eliseo Soriano o Eraño Manalo kung ikukumpara dito?
Yung terminong dito po ay nakalink po yan sa isang feature article ng Time.com about the pope. So ang nais niyang sabihin, sino daw po si Eliseo Soriano o Eraño Manalo kung ikukumpara sa Santo Papa ng Iglesia Catholica Apostolica Romana.

Ang totoo po hanga ako sa Santo Papa regarding sa kaniyang mga accomplishments as leader at politician. Pero ang tanong, bilang leader ng relihiyon, nagampanan kaya niya ang mga kalooban ng Dios? Naituro niya kaya sa kaniyang mga nasasakupan ang dalisay na aral ni Cristo?

Naaalala ko po kasi ang ginawang pag-angkin sino mang Santo Papa ng Iglesia Katolika na diumano sila ang Vicar of Christ. Sila daw po ang kahalili ni Cristo. Bakit, may katapusan po ba ang karapatan ni Cristo na dapat siyang palitan bilang ulo ng tunay na Iglesia?

Pangalawa po, ay ang pag-aangkin ng mga Papang ito na sila daw po ang HOLY FATHER. Isa pong kalapastanganan sa harap ng tunay na Dios na siyang tunay na HOLY FATHER.

Ang dalawang kalapastanganang ito ay iilan lamang sa mga gawang labag sa kalooban ng Dios na hindi kailan man nakikita ng mga devutong Katoliko, sa pag-aakala nila na ang kanilang relihiyong napaaniban ay siyang tunay na Iglesia, ang hindi nila alam, isa lamang itong bunga ng natalikod na Iglesiang kinaaniban ng mga Apostol noong unang siglo.
Search Lyrics by Artists: 0-9 - A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z